Add parallel Print Page Options

Noong nariyan ako sa ikalawa kong pagdalaw, binalaan ko ang mga dati nang nagkasala at lahat ng iba pa. Ngayong ako'y wala diyan sa inyo ay muli akong nagbababala, na sa muli kong pagdating, sila'y hindi makaliligtas sa parusang igagawad ko, yamang naghahanap kayo ng patunay na si Cristo ay nagsasalita sa pamamagitan ko. Hindi siya mahina sa pakikitungo sa inyo, kundi kumikilos na may kapangyarihan sa inyo. Sapagkat siya'y ipinako sa krus noong siya'y mahina, ngunit siya'y nabubuhay sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos. Kami man ay mahihina dahil sa kanya, ngunit dahil sa aming pakikitungo sa inyo ay mabubuhay kami kasama niya sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos.

Read full chapter